Wika at Panitikan
Wika at Panitikan ANG PAGPAPAHAYAG Pagpapahayag · Ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng kanyang mga nalalaman Dalawang Anyo ng Pagpapahayag · Pasalita · Maaaring isagawa nang harapan o lantaran at malapitan, dili kaya ay hindi at malayuan · Pasulat · Ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin at saloobin sa pamamagitan ng pagsasaakda, mapalimbag man ang mga ito o hindi Mga Salik ng Pagpapahayag · Nilalaman Ang pahayag ay may nilalaman kapag ito ay may mahalaga at kinakailangang kabatiran, may aral na itinuturo at nagbibigay kaaliwan Isinasaad ang nilalaman sa pamamagitan ng pananalitang malinaw, mabigat at nakalulugod; subalit ano mang nilalaman ay kailangang ibata...