Wika at Panitikan
Wika
at
Panitikan
ANG PAGPAPAHAYAG
Pagpapahayag
· Ang
pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng
lahat ng kanyang mga nalalaman
Dalawang Anyo ng Pagpapahayag
· Pasalita
·
Maaaring isagawa
nang harapan o lantaran at malapitan, dili kaya ay hindi at malayuan
· Pasulat
·
Ibinabahagi ang
mga kaalaman, paniniwala, mithiin at saloobin sa pamamagitan ng pagsasaakda,
mapalimbag man ang mga ito o hindi
Mga Salik ng Pagpapahayag
· Nilalaman
Ang pahayag ay may
nilalaman kapag ito ay may mahalaga at kinakailangang kabatiran, may aral na
itinuturo at nagbibigay kaaliwan
Isinasaad ang nilalaman
sa pamamagitan ng pananalitang malinaw, mabigat at nakalulugod; subalit ano
mang nilalaman ay kailangang ibatay sa katunayan at katotohanan
Mga mapagkunan ng
nilalaman:
·
Karanasan
Pinakamagaling na guro sa lahat
· Dahil
sa karanasan, nakapagtitipon ng iba-ibang karunungan at kaalamang maaaring
ibahagi sa iba
· Ang karanasan ay yaong ginagawa niya
sa mga kaganapan sa kanyang buhay upang matamo niya ang kanyang tunguhin o
kaya’y makalutas ng kanyang mga suliranin
·
Pakikipanayam
· Isinasagawa kapag may mga kaalamang
nais ng taong mabatid mula sa mga dalubhasa o sa mga marurunong, sa mga taong
nais makunan ng impormasyon.
· Maaaring ang mga kaalamang naturan ay
hindi matatagpuan sa mga aklat o di kaya’y hindi niya pinagdaanan
·
Pagbabasa
· Nakapagpapayaman ng isip, nakapagpapakilos
ng guniguni upang makapaglakbay sa iba’t ibang pook
·
Pananalita
o Ito
ay kakayahang makapili ng mga salitang nagpapahayag ng kurukuro at damdamin na
may kalinawan, kapamigatan at kagandahan ng pagpapahayag
o Kailangang
maging malinaw upang madaling maunawaan, mabigat upang madaling paniwalaan at
maganda upang kalugdan
·
Malinaw na
pahayag
Gumagamit ng magkakaugnay na mga salita, bawat
salita’y may tiyak na kahulugan: iwasan ang mga salitang nagbibigay ng
pag-aalinlangan
Dahil dito, kailangang may wastong bigkas kung
sinasalita at wastong baybay kung sinusulat
Mawawalan ng saysay ang mga
pangungusap na ipinahahayag kung hindi malinaw pagkat mahirap unawain
·
Mabigat na
pahayag
Nababatay sa katotohanan, hindi kakikitaan ng
kasinungalingan
Kung minsan, may mga pahayag na inaakalang totoo
subalit pagkaraan ng ilang panahon ay matutuklasang wala pala itong batayan
Ang mga pahayag na may pagmamalabis, kadalasan
ay ipinalalagay na kabulaanan
Ang mga pahayag na nagmumula sa isang
dalubhasa ay may kapamigatan sapagkat ang kanyang sinasabi ay hinggil sa
pinagkakadalubhasaan niya
Gayon din, ang marangal na tao na kilala sa kanyang
katapatang-loob ay madali ring paniwalaan ng iba
·
Magandang pahayag
Isinasaad sa pamamagitan ng magkakatugon na mga
kahulugan at tunog ng salita, maluwag at matayog na kaisipan
Ang mga matalinghagang mga salita ay
nakatutulong sa pagpapaganda ng pananalita
Maganda rin ang pahayag kung maayos ang pagsasama at
pagkakasunud-sunod ng mga salita, parirala at pangungusap
Gamit ng Malaking Titik
Paggamit ng Malaking
Titik
1.
Sa unang titik
ng unang salita sa pangungusap, siniping pahayag at taludtod ng tula.
2.
Sa mga dinaglat
na pangalan ng tao, ng mga ahensiya, ng pamahalaan, pamantasan, kapisanan.
3.
Sa mga pamagat
ng aklat, magasin, pahayagan.
4.
Sa unang mga
titik ng pangalan ng bansa, lungsod, lalawigan, bayan, baryo, daan, at iba pang
pook.
5.
Sa lahat ng
mahalagang salita, pamagat ng kuwento, nobela, awit, at iba pa.
6.
Sa lahat ng mga
tawag ng Diyos gaya ng Bathala, Panginoon, Maykapal, Poon, Lumikha at iba pa.
7.
Sa mga
direksyong palatandaan ng pagkakahating politikal o pangheograpiya gaya ng
Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran, Timog-Silangan, Asya-Luzon, at iba pa.
8.
Sa titulo ng
tao, kapag kasama pangalan gaya ng Pangulo, Kinatawan, Gobernador, Doktor,
Inhenyero.
9.
Sa mga
asignaturang pampaaralan; Filipino, Ingles, Matematika, Biyolohiya, Kasaysayan
at iba pa.
10.
Sa mga buwan at
araw; Enero, Pebrero, Marso, Linggo, Martes, at iba pa.
Gamit ng Bilang
Paggamit ng Bilang
Ginagamit ang mga
tambilang (figures) sa:
1. Mga halimbawa ng higit sa dalawang salita; petsa,
oras, direksyon, bahagdan, at telepono.
·
Sa ika-20 ng
Marso ang alis ng kanyang ina.
·
Nakatira siya sa
146 Leon Guinto St. Malate, Manila.
·
Ganap na
ika-8:00 ng gabi ang simula ng palatuntunan.
·
Ang bilang ng
aming telepono ay 341-51-25.
·
Ang tubo ng
utang niya ay umabot na sa 10% bawat buwan.
2. Huwag sisimulan ang pangungusap sa tambilang. Titik
ang dapat gamitin.
·
Dalawampung
panauhin ang inaasahang darating.
·
Isandaang tao
ang inaasahang dadalo sa pulong.
3. Ang bilang ng 1-10 ay isinusulat sa titik kung
ginagamit sa pangungusap at ang labing-isa pataas ay tambilang ang ginagamit.
·
Ako ay may
alagang pitong ibon.
·
Si Ana ay
nagpadala ng 15 sakong bigas.
Gamit ng Gitling
Ginagamit ang gitling (-):
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang
pantig ng salitang-ugat.
Araw-araw
dala-dalawa
isa-isa
sari-sarili
Apat-apat
Sali-saliwa
pulang-pula balu-baluktot
Anu-ano
sinu-sino
bagung-bago bahay-bahayan
2. Kung
ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula
sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mag-alis
nag-isa
nag-ulat pang-ako
Mang-ulo
pang-alis
tag-araw pang-ulan
Mag-asawa
pag-aaruga
pag-asa
may-ari
3. Kapag
may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Pamatay ng
insekto
- pamatay-insekto
Kahoy sa gubat
- kahoy-gubat
Humigit at kumulong
- humigit-kumulong
Lakad at
takbo
- lakad-takbo
Bahay na
aliwan
- bahay-aliwan
Dalagang
tagabukid
- dalagang-bukid
4. Kapag
may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa
ispeling.
Maka-Diyos
mag-Ajax
maka-Rizal
Maka-Johnson
maka-Pilipino
mag-Sprite
Taga-Baguio
mag-Corona
taga-Luzon
Mag-Ford
taga-Tubod
mag-Pisay
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay
nalilipat sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan.
Mag-Johnson
magjo-Johnson
Mag-Corona
magko-Corona
Mag-Ford
magfo-Ford
Mag-Sprite
mag-i-Sprite
Mag-Zonrox
magzo-Zonrox
5. Kapag
ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Ika-3
n.h.
ika-20 pahina
ika-9 na buwan
Ika-10 ng umaga ika-3
rebisyon ika-25 na
anibersaryo
6. kapag
isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.
Isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
Tatlong-kanim (3/6)
7. kapag
pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
Gloria
Santos-Reyes
Perlita Orosa-Banzon
Conchita Ramos-Cruz Marilou
Vicente-Cabili
8. Kapag
hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya
Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pag-bigkas ng salita.
Ang Pantig at
Palapantigan
Ang Pantig at Palapantigan
Bago
pa man talakayin ang diptonggo at klaster ay mas maganda kung magkaroon muna ng
kabatiran ang mga iskolar tungkol sa palapantigan dahil ito ang paraan upang
makilala at maunawaan ang dalawa (2) pang uri ng ponemang segmental.
Ang pantig ay ang isa o bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig
sa pagbigkas ng salita. Halimbawa:
a-ko
sam-bit
i-i-wan
mang-ya-ya-ri
it-log
ma-a-a-ri
Kayarian
ng Pantig. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay
sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
P
- u-po a-so i-sa a-a-sa
KP
- ma-li ba-ro ku-mot ba-ba-lik
PK
- is-da ak-lat
a-liw-iw am-paw
KPK
- han-da
bi-gas
ka-hon pak-pak
KPKK
- ri-serts kard nars
a-part-ment
KKP
- pri-to pro-se-so dru-ga
kla-se
PKK
- eks-perto eks-tra ins-truk-tor ins-tru-men-to
KKPK
- plan-tsa trum-po trak tran-sak-syon
KKPKK
- mag-drayb
tsart
klerk trans-por-ta-syon
KKPKKK
- shorts
Pagpapantig. Ang
pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
1. Kapag
may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong inisyal, midyal at
final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
Aalis
- a-a-lis
Maaga
- ma-a-ga
Totoo
- to-to-o
2. Kapag
may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging
katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang
pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Buksan
- buk-san
Pinto
- pin-to
Tuktok
- tuk-tok
Kapre
- kap-re
3. Kapag
may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang
salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa
patinig na kasunod.
Eksperimento
eks-pe-ri-men-to
4. Kapag
ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay
alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang
patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
asambleya
- a-sam-ble-ya
alambre
- a-lam-bre
balandra
- ba-lan-dra
simple
- sim-ple
sentro
- sen-tro
kontra
- kon-tra
plantsa
- plan-tsa
5. Kapag
may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang
katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig
na kasunod.
Ekstradisyon
- eks-tra-di-syon
Eksklusibo
- eks-klu-si-bo
Transkripsyon
- trans-krip-syon
Pag-uulit
ng Pantig. Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng
pantig.
1. Kung
ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig
lamang ang inuulit
alis
- a-a-lis
iwan
- i-i-wan
ambon
- a-am-bon
ekstra
- e-eks-tra
mag-alis
- mag-a-a-lis
mag-akyat
- mag-a-ak-yat
umambon
- u-ma-am-bon
2. Kung
ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang
katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
basa
-
ba-ba-sa
- mag-ba-ba-sa
la-kad
-
la-la-kad
- ni-la-la-kad
takbo
-
ta-tak-bo -
nag-ta-tak-bo
lundag
-
lu-lun-dag
- mag-lu-lun-dag
nars
-
nag-nars
- nag-na-nars
3. Kung
ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian,
dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o
varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
a. Inuulit
lamang ang unang katinig at patinig
plantsa
-
pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
prito
-
pi-pri-tu-hin
mag-pi-pri-to
kwento
-
ku-kwen-tu-han mag-ku-kwen-to
b. Inuulit
ang klaster na katinig kasama ang patinig
plan-tsa
-
pla-plan-tsa-hin
mag-pla-plan-tsa
prito
-
pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
kwento
-
kwe-kwen-tu-han
mag-kwe-kwen-to
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento