Ang Panitikan at Kulturang Pilipino
Ang Panitikan at Kulturang Pilipino Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan. Ang mg...