Ang Panitikan at Kulturang Pilipino


Ang Panitikan at Kulturang Pilipino


Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan.


Ang mga akdang nakapaloob sa batayan at sanayang-aklat na ito ay mabisang magagamit ng mga mag-aaral para sa talakayan at pagpapahayag ng kanilang sariling kuro-kuro, saloobin, at pagsusuri. Maaaninag sa nasabing mga katha ang katangi-tangi, masining at malikhaing paraan ng mga manunulat sa paglinang at paggamit ng wikang Filipino. Magaganyak din ang mga guro at mag-aaral sa malikhaing pagsulat at masining na pagpapahayag. Sa pamamagitan ng aklat na ito, nais naming palaganapin ang iba't ibang anyo ng panitikan-sa nilalaman, sa estilo, at sa hinahangad na kakintalan-ang matapat na maakay ang mga mag-aaral sa isang landas ng buhay na marangal, dakila, at makatotohanan at tuluyang magabayan sila ng kanilang mga guro na maging matatag sa gitna man ng mga suliranin sa buhay, pagsubok, karukhaan, pangamba-nariyan dapat ang mga kaisipang di magpapagupo sa mga magaaral na taas-noo pa ring makababangon at makalalakad na may pagpapahalaga bilang mga Pilipino. Maikikintal sa pag-unawa ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga katha at akdang nakapaloob sa aklat na ito na magbibigay-daan para sa kanilang mabungang kamulatan. Ito ang nais naming ibahagi sa mga mag-aaral bilang mga guro-isang uri ng panitikang huhubog sa kanilang asal, karakter, at personalidad. Isang panitikang naghahandog ng pagkakataong sila'y makibahagi, makialam, makisangkot, at mapasangkot sa iba pa. Mainam na ang mga guro'y kasangkot sa buong katauhan ng mga mag-aaral-nag-aakay sa kanila sa tuwid na landas hanggang sa sila'y tuluyang mapakilos at matatag na makatayo sa kanilang sariling paa at maging kasangkapan sa maganda at makabuluhang pagbabago ng lipunang Pilipino.



KULTURANG PILIPINO

Unang bahagi: Ang Kulturang Pilipino at Kahalagahan nito

 Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, ang ating kultura ang siyang nagbuklod at gumabay sa ating mga Pilipino. Simula sa madugong pakikipag laban sa Mactan, sa masidhing pakikibaka ng mga Katipunero, sa matapang na pagtuligsa ng mga Propaganidsta, sa pakikipagsagupaan ng mga HUKBALAHAP, sa pagsalungat sa diktatoryal na pamamahala ni Marcos, sa ating pagtutulungan upang mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda, hanggang sa patuloy pag-iimbestiga sa pork barrel ay namayani pa rin ang kulturang ang layunin ay ang kabutihan ng mga mamamayan. Mapalad tayo dahil ang kulturang ito ay nanatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino.
Ang mga Pilipino ay Maka-Diyos.
Ang pagiging maka-Diyos ay likas na sa ating mga Pilipino. Ang linggo-linggong pagsisimba, pagdiriwang ng mga kapistahan bilang pasasalamat, pag-awit ng mga religious songs, at pamumuhay ng naayon sa salita ng Diyos ay ilan sa mga tradisyong patunay ng kulturang ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo sumusuko sa anumang hamon ng buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng katapangan na bumangon at magsimula muli. Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga ngiti sa mukha. Ito ay nagsisilbing tanglaw sa panahon ng karimlan. Ang ating pananalig ay ang nagpapatibay at nagbubuklod sa ating mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay Makatao.
Bayang magiliw, ito ang kauna-unahang linya sa ating pambansang awit na Lupang Hinirang, ang linyang ito ay malinaw na sumasalamin sa ating kulturang pagiging makatao. Ang pagiging hospitable o magiliw ay isa sa mga katangi-tanging katangian ng mga Pilipino. Tayo ay naniniwalang mahalaga ang ating kapwa dahil sila ang kaloob ng Diyos sa atin upang tulungan tayong mabuhay. Sinasalamin din ating pagiging matulungin ang ating pagiging makatao. Ito ay ang susi sa pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa bawat isa. Ito ang nagapatunay sa kagandahan ng kaloban ng mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay Makakalikasan.
Ang ating pagiging makakalikasan ay nag-ugat pa sa ating mga ninuno. Mayroon silang paniniwala na tanging ang kalikasan ang makapagbibigay sa kanila ng kanilang mga pangangailangan. Mahalga ang kulturang ito dahil ito ay magbibigay ng maayos na kapaligiran para sa bawat isa. Patunay dito ang mga batas tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang mga Pilipino ay Makabansa.
Tayong mga Pilipino ay pinapahalagahan ang sariing bansa. Ang ating matapang na pagharap sa mga mananakop ay isang patunay nito. Ang pagbibigay rin ng karangalan sa bansa ay maituturing na isang gawaing makabansa. Ito ay nagbibigay sa atin ng katapangan at lakas ng loob na maipagmalaki at maibandera ang ating bansa higit sa anumang bagay.

Ikalawang bahagi: Ang Kulturang Pilipino at ang Pagbabago ng Panahon

Sa paglipas ng panahon, tila paunti na nang paunti ang mga Pilipinong nagmamahal sa sarilng kultura. Ang pagbili ng mga kagamitang imported, maling pagtatapon ng basura, at di mabilang pagpapatayan ay tila nangibabaw nang higit na sa ating mga kultura. Kadalasan nga, tuwing mga kapistahan mas inuuna pa nga mga tao ang pagluluto ng mga handa kaysa sa pagsisimba. Nakakalungkot ang mga pangyayaring ito dahil ang dapat na mentalidad ng mga Pilipino ay nawala na. 





MARAHIL ay dapat tuldukan na ang pagkalito. Ang Wikang Pambansa ay Filipino – hindi Tagalog. Ang Filipino ay pinagsama-samang wika mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas na may pagsasaalang-alang din sa mga dayong wika na naging bahagi na ng pang-araw-araw na talastasan. Dumaan ito sa masusing pag-aaral ng Surian ng Wikang Filipino na naglalayong pagpasiyahan kung katanggap-tanggap sa mas nakararami. Pansinin na mas dominante ang Tagalog. Ito ang pinagmulan ng Wikang Pambansa.
Pinakamalaki ang Luzon sa tatlong pangunahing islang bumubuo sa arkipelago – ito nga, Luzon, Bisaya, at Mindanao. Sa Luzon ay mas nakararami ang nagsasalita ng Tagalog, bagama’t may iba pang diyalekto – Pampango, Iloko, Bikol, Ibanag, Itawis, atbpa – ngunit namamayani at tanggap ang Tagalog bilang pangunahing salita. Ayon sa mga kuwentong bayan, ang Tagalog ay hango sa “taga-ilog”, mga naninirahan sa paligid ng Ilog Pasig, ang pangunahing ilog na bumabaybay sa malaking bahagi ng lalawigan ng Rizal kasama ang Metro Manila. Kahit noon, uhuan ng mga migrante buhat sa iba’t ibang lalawigan ang bahaging ito dahil ito ang kinikilalang lundo ng komersyo. Kailangang umakma sa kultura ang mga dumarayong taga-ibang probinsya kaya natuto silang magsalita ng wika ng mga “taga-ilog.” Hanggang ngayon, itinuturing na pinaka-dominante ang wika ng “taga-ilog”, ang Tagalog, na siyang pinagbasehan ng pagbuo ng Wikang Pambansa.
Pinagtibay ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagkabisa nuong Disyembre 13, 1937, na Tagalog ang maging “batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ang naturang batas ay nagkabisa lamang nuong 1940.
Nuong Hulyo 4, 1946, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay nuong Hunyo 7, 1940, ay kinilala ang Wikang Filipino bilang opisyal na Wikang Pambansa. Ayon kay Roberto T. Añonuevo, ng Komisyon sa Wikang Filipino: “Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging ‘Pilipino’ ang ‘Wikang Pambansa’. Ang ‘Pilipino’, na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 ‘na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.’”
May pananaw si Ben G. Domingo, retiradong propesor sa komunikasyon sa Central Luzon State University. “Nang bago pa lamang akong natututo ng wikang Pilipino, may pagka-purista ang aking pagpapahalaga at paggamit sa noon ay pambansang wikang tumuntong sa Tagalog. Unti-unting nagbago ang aking pananaw nang malinawan ako sa pagiging dinamiko at masigla ng isang buhay na wika. Nagbabago o lumalago ito dulot ng iba’t ibang kaganapan sa lipunang kinapapalooban nito.”

Bagama’t nagpahayag din siya ng pagkalito. “Naisip ko rin noon, bakit kinakailangang isama ang mga letrang c, ch, f, j, ll, ng, q, v, x at z sa wikang Filipino? Hindi ba balangkas-kolonyal ito? “Hanggang sa mapagtanto kong ang mga ito ay likas (na tunog) sa maraming katutubong wika sa ating bansa, tulad ng Ibanag at Itawis na sagana sa ‘f’ at ‘v’ ang kanilang mga salita.” Ito ang malinaw na tugon kung bakit ang Filipino ay “nag-ampon” ng mga titik na sa unang tingin o dinig ay banyaga. “Mahabang salaysayin — at masalimuot — ang pinagdaanan sa batas ng Tagalog bilang wikang pambansa (1936), at ang pagiging Pilipino (1959) at Filipino (1992) nito,” patuloy ni Domingo.
May agam-agam siya kung bakit Tagalog ang pinagbasehan ng Wikang Pambansa. “Nuong simula ng ilang-20 siglo, tinatayang wala pang 25 porsyento ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nagsasalita ng Tagalog samantalang mahigit 40 porsyento, diumano, ay gumagamit ng Bisaya, bagama’t ang bilang na ito ay nagbago na (mahigit na 90 porsyento na ang gumagamit ng wikang Filipinong nakatuntong sa Tagalog [ngayon]) pagkatapos na maisabatas na Tagalog ang naging lunsaran ng wikang pambansa, na ipinatupad sa mga paaralan at lalong pinakalat ng midya.”
Noong 1986, nakapaloob sa binagong Saligang Batas ng 1986 na kilalanin ang pambansang wika ng Pilipinas bilang “Filipino.” Ayon sa naturang bahagi ng batas na ito ay, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.”




Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas

Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.
Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawagingFilipino.
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA                                                                                 
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA
Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.
1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa buong bansa.
Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.
1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO
Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.
Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z
Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z
2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN, AT TUNGKULIN NG KWF
  • magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
  • magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito;
  • magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mga parirala, mga idyom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;
  • magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;
  • ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina;
  • lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasalingwika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;
  • tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng pamahalaan o pribadong entidad, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito;
  • mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
  • bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Tanggapan ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa;
  • humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;
  • organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang nagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan, sa pasubali, na ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa puwesto, ibaba ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo;
  • gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.


Mga Paksa at Pamagat Pampanitikan
  1.  Inihanda nina: Linggas, Emmanuel Heraldo, Rachel J. Lee, Hannah Elaine A. Lim, Claire Ashley Olivas, Arvin 3.4 MGA PAKSA AT PAMAGAT PAMPANANALIKSIK
  2. – Isang mahalagang Gawain na hindi maiiwasan ng sinumang mag- aaral. • Sa antas kolehiyo, karaniwan na ang pagpapagawa ng mga pamanahong papel sa iba’t ibang asignatura bilang isa sa mga pangangailangang pang-akademiko. • Sa kasalukuyan, hindi na dapat maging problema ang pagsisimula ng pananaliksik para sa mga mag-aaral dahil sa marami na ngayong mapagpipiliang paksa. Maiuugnay rin ito sa pag-unlad ng teknolohiya na nagpapagaang sa mga gawaing kaugnay ng pananaliksik. Pananaliksik
  3.  A. Sarili - Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan at natutunan. MGA HANGUAN NG PAKSA
  4.  B. Dyaryo at Magasin - Maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng local na balita, bisnes, enterteynment at isports.C. Radyo, TV at Cable TV - Maraming uri ng programa sa radio at tv ang mapagkukuhanan ng paksa. Maraming programa sa cable na balita, isports at mga programang edukasyunal.
  5.  D. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro - Sa pamamagitan ng pagtatanung-tanong sa ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang pampananaliksik.
  6.  E. Internet - Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa.
  7.  F. Aklatan - Sa aklatan matatagpuan ang iba’t ibang paksang nauugnay sa anumang larangang pang-akademya.
  8. A.Kasapatan ng Datos B.Limitasyon ng Panahon C.Kakayahang Pinansyal D.Kabuluhan ng Paksa E.Interes ng Mananaliksik MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA
  9.  • Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksag pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga magagamit na datos hinggil doon. A. Kasapatan ng Datos
  10. • Tandaang ang kursong ito ay para sa isang semestre lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang maisakatuparan. B. Limitasyon ng Panahon
  11.  • Ito ay isa pang problema sa pagpili ng paksa. May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatuwid, kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik. C. Kakayahang Pinansyal
  12.  • Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at iba pang tao. D. Kabuluhan ng Paksa
  13. • Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya. E. Interes ng Mananaliksik
  14. a. Panahon b. Edad c. Kasarian d. Perspektib e. Lugar f. Propesyon o Grupong Kinabibilangan g. Anyo o uri h. Partikular na Halimbawa o Kaso i. Kumbinasyon (perspektib, uri, lugar, at anyo) PAGLILIMITA NG PAKSA
  15. Pangkalahatang Paksa: Ang pagbaba ng dolyar Batayan ng Paglilimita Nilimitang Paksa a. Panahon Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa ekonomiya mula Taong 2006 Hanggang 2008 b. Edad Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa pagbaba ng dolyar c. Kasarian Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa sektor ng mga kababaihan d. Perspektiba Ang persepsyon ng mga Pilipino sa pagbaba ng dolyar Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa pamilya ng OFW e. Lugar Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa pamilya ng mga estudyante ng Olivarez College f. Propesyon o Grupong Kinabibilangan Persepesyon ng mga estudyante ng Olivarez College sa pagbaba ng halaga ng dolyar g. Anyo o uri Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas h. Partikyular na Halimbawa o Kaso Ang epekto ng pagbaba ng dolyar sa kalagayan at utang ng Pilipinas i. Kombinasyon 1. Perspektib 2. Uri 3. Lugar 4. Anyo 1. Preperensya ng mga mamamayang Pilipino 2. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho 3. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho sa Luzon 4. Preperensya ng mga mamamayang Pilipinong nagtratrabaho sa Luzon sa Banko Sentral ng Pilipinas
  16.  • Ang pamagat-pampananaliksik ay iba sa pamagat ng mga akdang pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga kwento, nobela, sanaysay, at dula. • Ang pamagat ay kailangang maging malinaw, tuwiran, at tiyak. • Hangga’t maaari, ang mga salita ay hindi kukulangin sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu. PAGDIDISENYO NG PAMAGAT- PAMPANANALIKSIK
  17. a. Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasalin sa Filipino ng mga Katawagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas b. Preperensya ng mga Batang Preschooler ng Barangay San Miguel, Pasig City sa Pagpili ng mga Kwentong Pambata c. Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.: Isang Analisis ng Epektibnes d. Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Atityud sa Pang-ekonomikong Pamumuhay ng mga Magulang na Iskwater sa Bliss Guadalupe e. Pahambing na Pagsusuri sa Preperensya ng mga Kababaihan at Kalalakihang Mag-aaral ng OC sa Panonood ng mga Telenobela Halimbawa ng pamagat-pampananaliksik hinggil sa iba’t ibang larangan



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Wika at Panitikan